Tinatayang nasa P700,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operations na ikinasa ng mga ito.
Sa Bacoor City, Cavite, tinatayang mahigit P500,000 ang halaga ng nakumpiskang hinihilanang shabu noong Biyernes at nahuli ang mga mga suspek na kinilalang sina alyas “Jovie” at “Argel,” na nagbenta umano ng droga sa isang pulis sa Barangay Panapaan 4.
Nasamsam sa magaksabwat ang 75 gramo ng umano’y shabu na aabot sa P510,000, ang halaga, ayon sa ulat ng pulisya nitong Linggo at nakuha rin sila sa kanila ang buy-bust money at isang pulang sling bag..
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa.
Sa hiwalay na sting operations, nasakote sa Quezon City ang dalawang suspek matapos nilang bentahan ang isang pulis ang nagpanggap na buyer ng hinihinalang ilegal na droga, dahilan para malambat ang dalawang suspek sa Barangay Santo Niño noong Huwebes.
Sa ulat ng Quezon City Police District, aabot sa P272,000 ang halaga ng 40 gramo ng umano’y shabu na nakumpiska.
Nakuha rin sa dalawa ang isang cell phone, dalawang coin purse, at buy-bust money.
Nahaharap rin sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa.