Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang isang motorcycle rider na nag-e-exhibition sa national highway sa Castillejos, Zambales dahil bawal umano ang ginawa ng rider.
Sa isang social media post, kita ang rider na walang suot na helmet at tumalon siya sa kaniyang kinuupuan sa motorsiklo habang umaandar, humiga, tumayo habang walang hawak sa manibela, at nag-shadow boxing pa.
“Nag-worry din siyempre. Ayaw niya din umalis doon sa harap namin after ng video na kasi in-overtake ko na siya kasi baka madisgrasya,” sabi ni Aldrine Ebuenga, uploader ng video.
Ayon kay Police Major Michael Udal, hepe ng Castillejos, Police Station, bawal ang ginawa ng rider.
“Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa ating national highway maski sa secondary road sapagkat nagbibigay ng peligro at kapahamakan sa ating mga kasamahan na gumagamit ng kalsada,” paliwanag niya.