Pinagtulungang paslangin ng mga residente ng isang barangay sa Bagumbayan sa Sultan Kudarat ang isang makamandag na king cobra na isang bata ang unang nakakita sa likod ng kanilang bahay sa Barangay Titulok.
Ayon sa maga otoridad, tinatayang siyam na talampakan ang haba ng cobra kaya mabuti na lang at nakalayo raw kaagad ang bata mula sa ahas.
Dahil dito, hinanap ng mga residente ang cobra na una nilang nataga sa likod pero nakatakas at nagtago sa damuhan at nang muling lumabas ang ahas, doon na siya napuruhan ng mga tao.
Bukod sa laki ng ahas na nakadagdag sa kanilang takot, akma raw manunuklaw ang ahas kaya tinuluyan na nila itong patayin.
Ito raw ang pinakamalaking cobra na nakita nila sa kanilang lugar.
Wala naman nasaktan o natuklaw ng ahas sa mga residente.