Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang inihaing motion for reconsideration ng “It’s Showtime” upang ‘di ituloy ang naunang desisyon na suspendihin ang noontime show ng 12 airing days.
Sa “Today’s Talk” segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sinabi ng King of Talk na naglabas ngayon araw ng desisyon ang MTRCB sa isinagawang press conference.
“Said MRs sought relief from the Board’s ruling dated August 17, 2023, regarding the July 25, 2023 episode of the live noontime television program ‘It’s Showtime!’ Specifically, during the show’s ‘Isip Bata’ segment, in which hosts Ryan Bang, Vice Ganda and Ion Perez allegedly acted indecently or inappropriately in the presence of children,” base sa MTRCB resolution.
“In view of which, the Board’s Decision dated 17 August 2023 is affirmed,” dagdag nito.
Gayunman, sinabi ni Tito Boy na hindi pa maipatutupad ang suspension order dahil maaari pang iapela ang parusa sa Office of the President sa loob ng 15 araw.
Kung tanggihan ng tanggapan ng Pangulo ang apela, maaari namang idulot ng network ang usapin sa Court of Appeals at Supreme Court.
Habang may paraan pa ang “It’s Showtime” upang iapela ang parusa ng MTRCB, maaari pa ring mapanood ang noontime show.
Una rito, dininig ng MTRCB ang mga reklamo na kanila umanong natanggap bunga ng July 25 episode ng programa dahil sa umano’y “mahalay” na ikinilos ng ilang host sa segment na “Isip Bata.”
Napapanood din ang “It’s Showtime” sa GMA Network’s GTV.