Binili ng legal ni American supermodel Gigi Hadid ang bitbit na marijuana nang arrestohin sa Cayman Islands kamakailan.
“Gigi was traveling with marijuana purchased legally in NYC with a medical license,” pahayag ng kinatawan ni Gigi sa E! News.
“It has also been legal for medical use in Grand Cayman since 2017. Her record remains clear and she enjoyed the rest of her time on the island,” dagdag niya.
Pinalaya si Hadid at kanyang kasama noong Hulyo 12 matapos aminin ang pagmamay-ari sa marijuana at pinagmulta sila ng $1,000, ayon sa Border Control spokesperson.
Matatandaang dinakip si Hadid at kanyang kasama noong Hulyo 10 sa Owen Roberts International Airport sa Cayman Islands nang dumating sakay ng private plane ,matapos matuklasan ang “small amount of marijuana” sa kanyang maleta nang halughugin ng custom officials.
Inaresto sila sa hinalang “Importation of Ganja and Importation of Utensils used for the consumption of ganja” at dinala sa Prisoner Detention Center.