Inamin na rin sa wakas ni Bea Alonzo na nagkaroon sila ng tampuhan ni Alden Richards.
Ginawa ni Bea ang rebelasyon sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakalawa nang uriratin siya sa napaulat na nag-away sila ni Alden.
“Truth or lie: Nag-away kayo ni Alden (Truth or lie: You and Alden fought before),” tanong ni Abunda kay Bea.
“Truth, but actually lie kasi hindi kami nag-away. Nagkaroon kami ng sama ng loob but hindi kami nag-away,” sagot ng aktres.
Ipinihiwatig ng aktrs na nag-ugat ang kanilang tampuhan sa isang “professional problem.”
“It’s also because we have different backgrounds [in terms of being artists]. I think nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set. But we were able to talk about it,” sabi ni Bea.
“I remember we were on the plane going to Davao while we were promoting ‘Start-Up PH,’ like pinag-usapan namin like mature people and we were able to sort things out,” dagdag niya.
Matatandaang naging magkatambal sina Bea at Alden sa Start-Up PH (Setyembre-Disyembre 2022), na halaw sa 2020 South Korean romantic drama series na Start-Up.
Hindi naman natuloy ang kanilang pelikulang Pinoy adaptation ng 2004 South Korean romance melodrama film na A Moment To Remember.
Ngunit magkakasama sila ulit sa GMA-7 show, ang Battle of the Judges na magpa-pilot sa Hulyo 15, 2023, Sabado ng 7:15 p.m.
Host si Alden ng programa, samantalang isa si Bea sa apat na hurado na magbabakbakan. Ang tatlo pa ay sina Boy Abunda, Jose Manalo, at Atty. Annette Gozon-Valdes.