Grabe pala ang naging karanasan ng isang opisyal ng Bossing ng Bayan Mo.
Hindi raw aakalain ng sinoman na may itinatagong “Lihim ng Guadalupe” si Lady Exec na hindi malilimutan sa buong buhay niya na tila eksena sa isang teleserye.
“Ano ba ‘yun?” atat na atat na sabayang tanong ng nag-umpukang miron.
Ito palang si Lady Exec ay minsan nakatikim ng mag-asawang sampal at sabunot mula sa misis ng dati niyang boss.
Sinugod raw siya ng esmi ng boss niya dahil natunugan na higit pa sa mag-amo ang turingan nila ng mister nito.
Kaya raw siya biglang nagbitiw ng panahong iyon ay upang maapula ang pagkalat ng balita kaugnay sa paglalaro nila ng apoy ng kanyang boss.
Ang pobreng misis na pinagtaksilan, nag-empake at nagpunta sa lupain ni Uncle Sam para makapagmuni-muni kung hihiwalayan ang kanyang mister.
Naging “pulutan” daw si Lady Exec ng magkaroon ng reunion ang ex-men ng isang dating top government official kamakailan.
Kesehodang naging jobless si lady exec ng ilang buwan hanggang nakasungkit muli siya ng posisyon sa pag-upo ng Bossing ng Bayan Mo. Salamat sa koneksyon ni “ex-boss cum lover”
Hindi raw natuto sa kanyang nakakahiyang karanasan at nang magkaroon daw ulit ng katiting na kapangyarihan ay bumalik sa ugaling bratinela at parang nagpapalit ng underwear kung magpalit ng chauffeur.
CLUE:
Mahilig sa numero si Lady Exec na kung ituring ang kanyang sarili’y DIYOSA.
‘Yun na!!!