Walang karelasyon sa kasalukuyan ang Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate at tinaguriang “Go Getter Girl ng Bohol” na si Vivoree pero happy siya.
Naging panauhin si Vivoree sa YouTube podcast na Marites University at inamin niya na ang magandang takbo ng kanyang career ang nagpapasaya sa kanya.
Naging parte siya ng ABS-CBN’s primetime series na Iron Heart at sa Pak na Pak! Palong Follow ng PIE Channel.
“Satisfied but at the same time, there’s still hunger for more na gusto ko pa s’yempre ng mas challenging na projects. Gusto ko pa ng more blessing and opportunities,” anang dalaga.
“Pero, super grateful and super happy and fulfilled ako at the same time kasi, ang dami ko na rin na-experience, ang dami ko na ring blessing na natanggap. So, thank you sa aking management,” dagdag niya.
Dati raw nagkaroon ng non-showbiz boyfriend si Vivoree ngunit hindi sila nagtagal.
“Ako ano po, medyo mataas po talaga ang standard ko,” sabi niya.
“Siguro importante po sa akin ang respeto talaga, ‘yung boundaries. Kasi, may mga relationship na hindi ka na nagkakaroon ng personal space porke’t magka-relasyon kayo.
“Parang mas gusto ko pa rin talaga na if ever I’ll be in another relationship in the future, I will still be able to grow individually. I’ll still be able to pursue my dreams, my goals. [So, sana] Supportive, understanding.”
Naitambal na rin si Vivoree sa iba’t ibang actor gaya nina Patrick Quiroz, Marco Esgallo, at Hashtag CK.