May kasabihan na ang tahimik na ilog ay malalim. Tila ito ang lumalabas sa kalagayan ni Manila Mayor ni Honey Lacuna dahil sa palagiang sinasabi ng mga kritiko na walang buhay ang administrasyon niya.
Naninibago marahil ang marami sa transisyon ng liderato ng Maynila, mula kay Yorme Isko Moreno na talagang maingay, isang showbiz personality at smart talker na kabaliktaran ni Mayor Honey na sweet tone pero tigre sa loob, ngunit pusong mamon sa mahihirap, at higit sa lahat ay relihiyosa.
Sa pagsapit ng isang taon bilang alkalde ay naituloy niya ang mga nasimulan ni Moreno at pinatunayan niyang hindi nasayang ang 300k boto ibinigay sa kanya ng mga “batang Maynila”
Kaming mga reporter na naka-assign sa Manila City Hall na sumusubaybay sa halos araw-araw na gawain ng aming subject ay hindi makapaniwala na sa isang taon ni Lacuna ay napagkasya niya lahat ng dapat gawin na serbisyo, mula sa health, infra, traffic, peace and order, financial support sa mga seniors , PWD , solo parents , students at small business enterprises at iba pa.
Dagdag pa rito ang malapit nang matapos ng mga ginagawang housing project, school building, mataas rin ang revenue collection at episyente ang paggastos ng pera ng taxpayerr.
Napuna ko ang pagsulpot ng isang vlog na “One Maynila”na puro pagtuligsa araw-araw sa pag-aayos ng Maynila, gaya ng sidewalk clearing ng vendors, obstruction, anti colorum na tri-wheel na pinalalabas na parang walang puso ang administrasyong Lacuna, at kung minsan pa namemersonal na..
Talaga namang hindi madali ang trabaho ng isang alkalde, maaring maganda hangarin ngunit hindi maiiwasan na mayroong masasagasaan ang ibang pasya.
Bilang taga-Maynila ay naitanong ko minsan kay Mayor Honey ang naging kapalaran ng kanyang ama na mak- ilang beses tumakbo bilang mayor pero sawi ngunit sa pagiging vice mayor ay walang talo, kaya biruan sa Sampaloc, ang Lacuna daw ay pang Vice Mayor Lang.
Sa darating na Martes, Hulyo 11, ilalahad ni Mayor Honey ang kanyang “State of the City Address” upang ipaalam sa mga Manilenyo ang kanyang naging accomplishment sa unang taon ng kanyang administrasyon at ang mga planong isagawa.
Nang ipagdiwang ang “Araw ng Maynila” kamakailan ay nagpakita ng todong kooperasyon ang iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan , mula sa896 barangay, 6 na distrito congressman, konsehal, lahat ng department employees, BFP, MPD, MRRD, BJMP, Philippine Coast Guard, Muslim residents pati na rin mga negosyante, na first time kong nakitang kompleto para suportahan ang administrasyon..
Mayroon ding lingguhang “Kalinga sa Maynila”si Mayor Honey, isang programa na nakikipag-ugnayan siya ng direkta sa mga tao sa barangay at dala niya lahat ng serbisyong ipinagkakaloob ng mga departamento ng City Hall.
Lahat ng problema ay may kasagutan, nandoon na rin ang booth para sa pormal na pagrereklamo,o tulong na kailangan nila at tatapusin sa pamimigay ng 10 kilong bigas sa lahat nga dadalo.. Oh di ba!
Masabi ko lang Mayor Honey go ahead and keep it up! Pinatunayan mo na kaya ng isang babaeng pamunuan ang kapitolyo ng bansa.