Inamin ng aktres na si Kathryn Bernardo na may natanggap siyang offer mula sa ilang TV Network pero nananatili pa rin siyang loyal sa kanyang network na ABS-CBN at ngayon nga ay pumirma na naman siya ng isang exclusive contract sa ABS-CBN.
Naganap ang contract ni Kath sa ABS-CBN last Friday, at dito nga niya nabanggit ang tungkol sa mga naging offer sa kanya na mag-ober da bakod.
“I’ve seen the articles, the news, and for me naman kasi as a celebrity and siguro, I can speak in general for the celebrities, when your contract is ending, normal naman talaga to get offers from different networks, managements, or whatever. Parang it’s a normal thing,” pahayag ni Kathryn.
Para naman sa dalaga, walang masama kung maka-receive man ng offer mula sa ibang istasyon o management agency ang isang talent, lalo na kung naghahanap ng “iba” o “bago” ang artista.
“And I don’t see anything wrong with it sa mga naka-decide na you know na lilipat. Desisyon mo ‘yun. We all have the freedom to decide kung sino ang gusto mong mag-manage sa ‘yo,” saad ng dalaga.
Aminado rin siya na tinanggihan daw niya ang lahat ng nag-offer sa kanya dahil naka-set na ang isip at puso niya na manatili sa ABS-CBN at sa Star Magic na naging tahanan na niya sa loob ng 20 years.
“Mabilis ko sigurong nasagot na hindi talaga. Because hindi ko naman siya naisip, because I’m very happy with everything now. Especially the partnership and the friendship with Direk Lauren (Dyogi) and Star Magic. Hindi ko talaga siya na na-entertain pero there were offers siyempre. But I know deep inside my heart na ABS is my only choice,” ang pahayag pa ni Kathryn.