Naka-quarantine ang aktres na si Shaina Magdayao matapos itong tamaan ng Covid-19 at ayon sa dalaga, marami umano siyang natutunan at nagawang makabuluhang bagay kahit na naka-quarantine siya.
Tinamaan ng COVID-19 ang dalaga nitong nagdaang January kaya kinailangan muna niyang ma-isolate bago sumabak uli sa trabaho.
Sa kanyang IG, ibinahagi ni Shaina ang naging takbo ng buhay niya habang naka-quarantine matapod ngang mag-positive sa COVID at ibinahagi niya ang kanyang mga litrato at video clips ng mga ginawa niya sa loob ng ilang araw na self-isolation.
Ilan sa mga photos na ibinahagi ng premyadong aktres ay ang kanyang coffee break sa isang veranda, ang kanyang workout routines, at ang pag-eenjoy sa magandang tanawin sa paligid.
“Beautiful words I kept on reading and reminding my frustrated sick self during more than a week of isolation and testing positive,” ang bahagi ng caption ni Shaina sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niya, kahit paano raw ay nagkaroon siya ng chance na pagtuunan muna ang kanyang sarili at makapagpahinga na rin mula sa tuloy-tuloy na pagtatrabaho.
“Nevertheless, thank you, COVID, for the rest (lots of tv time too) and pause I did not ask for..but apparently needed (white heart and star emojis),” saad ni Shaina.
Nauna rito, nag-post nga si Shaina ng video ng kanyang antigen test, kung saan nagpositibo nga siya sa COVID kaya kinailangan niyang mag-quarantine.