Bukod sa larangan ng pagandahan, pinasok na rin ng beaty queen at aktress na si Kylie Verzosa ang mundo ng business.
Sa isang Instagram post, ipinakilala ni Kylie ang una niyang business na SOLÁ, isang shapewear brand.
“Another dream come true!” caption niya sa naturang IG post.
“Happy New Year guys! I can’t wait to share with you my first business and baby, and what my team and I have been working on for the past months,” dagdag niya.
Target daw ng kanyang brand na gawing “good and confident” ang pakiramdam ng bawat tao sa kanilang pangangatawan.
Nagpakita naman ng suporta ang ilan niyang showbiz friends para sa kanyang negosyo.
“Congrats mizz kylie!!!!” komento ni celebrity fashion photographer BJ Pascual.
“So dreamy” sabi naman ni Raymond Gutierrez.
Sa isa pang Instagram post, makikita ang ilang mirror selfie ng aktres suot ang sarili niyang produkto.
“Countless times of testing and wearing it from shoots and day to day, developed to fit every style, shape, and curve,” ayon sa caption niya habang ibinibida ang skin tone shapewear bodysuit.
“I feel that when i’m at my best self, anything is possible and i wanted girls and my sisters to feel the same way too.”
Taong 2016 nang koronohan si Kylie bilang Miss International. Nanalo din siya bilang Best Actress sa Distinctive International Arab Festivals Awards noong 2022 para sa pagganap niya sa pelikulang “The Housemaid” kasama sina Albert Martinez at Louise delos Reyes noong 2021.
Sa ngayon ay kasama si Kylie sa “Penduko,” isa sa mga pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival
na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli.