Inihayag ng World Bank nitong Biyernes na posible umanong maabot ang ‘new high’ sa remittance ng mga Overseas FIlipino Workers ngayong taon, at maitala ang hanggang sa $40 billion.
Ayon sa World Bank, kung mangyayari umano ito ay maaaring aabot pa ng hanggang limang porsyentong paglago ang maitala ng mga remittance kumpara sa 3.6 percent lamang na naitala noong 2022. Sa naturang taon ay umabot lamang sa $36.14 billion ang remittance ng mga overseas Filipinos.
Dagdag nito, ang pagtaas sa remittance ng mga Pinoy workers ay dahil na rin sa maraming destination na pinupuntahan ng mga mangagawa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at marami umano sa mga ito ay nangagaling sa Hong Kong, China, Korea and Singapore at Middle East.
Samantala, ang mag remittance na pumasok sa pilipinas ay 48 percent na ng kabuuang mga remittance na pumasok sa buong East Asia and Pacific.
Ang $40 billion na projection para sa Pilipinas ngayong taon ay ang ika-apat na pinakamalaki sa buong bansa ngayong taon.