Hindi na napigilan ng aktres at celebrity mom na si Jessy Mendiola na palagan ang mga pang-ookray ng isang netizen kaugnay sa kanyang sexy photos na nakapost sa social media.
Supalpal ni Jessy ang basher na nagkomento ng nega sa mga ibinahagi niyang litrato sa kanyang Instagram account dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-post ng sexy photos si Jessy after niyang manganak sa panganay nila ni Luis na si Baby Peanut.
Sa kanyang IG, ibinahagi ni Jessy ang ilang photos na kuha sa kanyang sexy pictorial para sa kanyang ika-31 kaarawan at ang tanging caption na inilagay niya sa rito ay, “31.” In fairness naman sa aktres, talagang na-maintain niya ang kanyang sexy body kahit na nanganak na siya kay Baby Peanut.
Nag-comment agad ang asawa niyang si Luis Manzano sa naturang post, “I love you, and WOW (heart emoji).”
Ngunit may isa ngang netizen ang tumalak at pinagsabihan si Jessy sa pagpo-post ng sexy photos sa IG.
“Dina bagay sayo ganyan may Peanut kana.. Masagwa tingnan,” ang komento ng IG user, na ang tinutukoy ngang “Peanut” ay ang panganay na anak nila ni Luis na si Isabella Rose Tawille Manzano.
Hindi naman pinalampas ni Jessy ang comment ng netizen at talagang niresbakan niya ito nang bonggang-bongga. Aniya, tigilan na sana ang pamamahiya sa mga kababaihan.
“So kapag may anak bawal ma maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming. It’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado,” buwelta ni Jessy.
“JUST WANTED TO SHARE THIS. SANA MATIGIL NA ANG GANITONG THINKING DITO SATIN. ASAWA KO NGA HINDI NA-OFFEND EH. IKAW PA KAYA? US MOMS ARE ALLOWED TO BE CONFIDENT AND HAPPY IN OUR OWN SKIN. LET US BE. WE CAN BE COMFORTABLE WITH OURSELVES AND BE A MOM, TOO. ISA LANG SA ROLES NAMIN ANG PAGIGING NANAY,” sabi pa niya.