Umarangkada na rin ang nationwide transport strike na ikinasa ng grupong Manibela nitong Miyerkules na magtatagal hanggang November 24, 2023.
Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, layunin ng kanilang ikakasang transport strike na kontrahin ang planong Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Babala ni Valbuena, sa oras na hindi umano palawigin ng gobyerno ang itinakdang deadline nito para sa naturang programa ay magreresulta lamang ito ng mas malawak at mas matinding tigil pasada sa susunod na taon.
Samantala, sa kabila nito ay nilinaw naman ni Valbuena na hindi nila pinipilit ang kanilang mga miyembro na makiisa sa kanilang ikakasang transport strike.
Kasabay ng panawagan sa mga indibidwal na wala namang importanteng mga lakad na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan sa kasagsagan ng pagkakasa ng tigil pasada.