Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Biyernes na binigyan na niya ng deadline ang Department of Public Works and Highways para tapusin na ang pagkukumpuni sa Lagusnilad underpass.
Sinabi ni City Public Information chief Princess Abante na ang palugit na binigay ni Laguna ay hanggang Nobyembre 15 na lamang dahil halos higit anim na buwan mula nang simulan ang pagkukumpuni ng mahigit anim na dekada nang kalsada noong Mayo ay hindi pa rin ito bukas sa daloy ng trapiko.
Paliwanag ng Manila City Engineering Department, tapos na sila sa hatian ng trabaho at tanging DPWH na lang ang hinihintay upang mabuksan muli ang Lagusnilad underpass.
“Yung portion kasi nila ay yung sa may chamber, yung iniipunan ng tubig, yung sa pinakababa, mga 22×11 meters, Iyon ang ano nila, sinulatan namin sila ulit kung kailan matatpos, ang sabi nila is end of November,” ayon kay Manila City Engineer Armando Andres.
Ayon kay Andres, maaring mas maaga natapos ang pagkukumpuni ng kalsada kung maaga nagsimula ang DPWH.
“Puwede sana, kaya lang hindi sila nag-start ng maaga… Halos tapos n akami nung nag-start na sila. Kasi nga inayos pa nila yung sa design daw,” dagag niya.
Paliwanag naman ni DPWH South Manila District Engineer Mikunug Macud, hindi sila na-delay sa trabaho.
“Nagre-rebars po tayo, nilalagyan natin ng mga bakal kung saka-sakali na matapos natin before Monday, baka next week, makapagbuhos tayo bago mag-Friday… Kapag nabuhusan iyon, maghihintay lang tayo ng 3 days up to 1 week, para magtanggal ng mga porma,” saad ni Macud.