Kinumpirma na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes na mayroon nang 55 na Pilipino ang muling nakatawid sa Gaza bukod pa sa 42 iba na una ng nakaalis.
Ayon sa Pangulo, ikinalulugod niya ang magandang balita na may dagdag na mga Pilipino ang ligtas na nakatawid sa Gaza, kasunod ng nagpapatuloy na Israel-Hamas conflict at dagdag niya, nasa 98 na ang kabuuang Pilipino ang lumisan sa conflict areas at patungo na ang mga ito sa Cairo.Kung maalala nasa 137 Pilipino ang naitalang naninirahan sa Gaza.
Iniulat din ng Pangulo na nasa 34 Pilipino ang nakasakay na ng eroplano patungong Qatar at nakatakdang dumating ngayong araw bandang alas-4:30 ng hapon.
Siniguro rin ng Pangulo na mabibigyan ng sapat at kaukulang tulong ang mga Pilipinong lumikas mula sa Gaza hanggat makabalik ang mga ito sa bansa.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Migrant Workers ang kaligtasan ng apat na Pilipinong nasugatan matapos tamaan ng Russian missile ang isang civillian ship na papasok sana sa isang pwerto sa Black Sea na bahagi ng Ukraine.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nasa mabuti na ang kalagayan ng mga ito bagama’t nasugatan sila nangyaring missile attack.
Dagdag pa niya, malayo sila sa pinangyarihan ng pagsabog kayat pawang mga minor injuries lamang ang kanilang tinamo.
Tiniyak din ng opisyal na magpapatuloy ang pagtutok nila sa kalagayan ng mga ito habang ginagamot at nagpapagaling mula sa mga tinamong sugat.
Ayon pa kay Cacdac, sa apat na nasugatan ay ang engine trainee ang nagtamo ng pinakamalubhang injury na kinabibilangan ng bali sa kanyang kaliwang kamay.