Tanong mula sa pangkat katkatera, makakatulong bas a sa pagiging lalaki at pagkakalalaki ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang pag-amin na minsan, ang kanyang binatang puso ay nahulog at tumibok para sa kanyang phenomenal na kapareha, ang Philippine Sweetheart, Maine Mendoza?
Mula naman sa mga talakerang totoo, dahil ba pag-aming ito ni ginoong Faulkerson, mas lalong lalakas at sangrekwa ang manonood sa pelikula niyang “Five Break Ups and A Romance” kung saan katambal niya sa kauna-unahang pagkakataon ang babaing knight in shining armor ang turing kay Coco Martin, ang mahusay na aktres, si Julia Montes?
Nagpapasalamat nga ang lahat kay Boy Abunda na hindi na pinalawig pa ang usapin sa “falling for Maine” ni Alden dahil nga ito ay Mrs. Nicomaine Dei Mendpza-Atayde.
Kung dati, lahat ng mga namumutawi sa minsang tinaguriang Pambansang Bae ay ikinalulugod ng lahat, ang pagpapala-totoo nito kay Abunda tungkol sa pagkahulog niya kay Mendoza, para sa pangkat katkatera at mga talakerang totoo, ang dapat itawag sa ngayon kay Richard ay “Pambansang Mangga”. Ang mangga ay pinaikling “manggagamit” at hindi yung prutas, huh! Gamit na gamit kasi ang pangalan at persona ni Maine para sa promo ng pelikulang malapit ng itanghal sa mga sinehan. Dito nagmamarkulyo ang damdamin ng mga nakapanood sa panayam.
Sabi ay malapit na 2milyong views, sa social media site pa lang ito ni ginoong Faulkerso ang pinanood na ang trailer ng pelikula kaya para saan pa ang usapin tungkol sa kanila ni Maine na alam naman nating lahat na trabaho lang, walang personalan para sa binatang may biloy.
Mas panalo pa ang pag-amin niya na minsan eh nagka-crush means paghanga siya kay Pia Wurtzbach lalo na noong panahon na hindi pa ito hinihirang na pangatlong Pilipina na naging Miss Universe.
Wala ring yamot at violent reaction na pinag-usapan na ang starlet of pine tree proportions, si Mikee Quintos ay minsang narahuyo sa kanya. At ang sagot ni Alden na kaibigan lamang talaga ang turing niya kay binibining Quintos eh walang bahid yabang o nag-fe-feeling na God’s gift to women ang pakiwari niya sa kanyang sarili.
Kung ang mga bulag na chika noon na naging malapit rin sila at may diumanong out of town rendezvous na kasama ang minsan naging Eat Bulaga host na si Patricia Tumulak, mas palong-palong ang rebelasyon at may golpe de gulat factor.
Oo, sinagot lang naman niya ang tanong ni Boy pero ang mas mainam, kesa sinagot niya ito, naglambing sa lang siya sa “Fast Talk” host na hindi na ang niya sasagutin ang tanong. At tiyak, mauunawaan ito ni ginoong Abunda.
Dahil sa pangyayari, sa Ekis social media site, nasa trending topic listahan ang kanyang screen name na Alden at siempre pa, pasok na pasok rin ang AlDub. Patunay ito na may saysay pa talaga sa showbiz at marami pa rin ang mausisa sa mga kaganapan sa buhay ng paboritong Tisoy nina Aling Tacing at Mang Victor.
Sa takdang panahon, magkaka-alaman na kung ang “Five Break Ups and A Romance” ang pangalawang pelikulang Pilipino na siksik, liglig at umaapaw ang kikitain sa takilya. Iyan ang kaganapang tunay na kaabang-abang.