Pinalakpakan ang Patikim-Tikim dahil sa magandang kuwento, nakakatawang eksena, at mahuhusay na pagganap nina Yen Durano, Aerol Carmelo, Apple Dy, Chloe Jenna, Jaggy Lejano, at maging ng direktor na si Joey Javier Reyes na may markadong partisipasyon sa sex-comedy movie na mapapanood sa Vivamax simula sa September 14, 2023.
Mga baguhan ang cast members ng Patikim-Tikim, pero nagpakitang-gilas sila sa pag-arte.
Si Yen ay anak ng character actor na si DJ Durano.
Ang paghuhubad sa Vivamax movie ang isa lamang sa paraan para mapansin ang kanyang acting ability at nagtagumpay siya sa mga eksena niya sa Patikim-Tikim.
“Huwag ninyong sabihin sa kanya!” natawang reaksiyon ni Yen sa obserbasyong mas magaling siyang artista kesa sa tatay niya.
“Actually, sabi sa akin ni Direk Joey, I was asking him, ‘How you want me to portray the character? And as he always say, ‘Just be yourself.’
“It’s a chill shoot lang.”
Matitindi ang mga sexy scene ni Yen sa Patikim-Tikim at hindi ito nag-atubiling gawin dahil sa kanyang pangarap na balang-araw, mabigyan siya ng mainstream movie project.
“That’s the main goal,” pag-amin ni Yen.
May mga lesbian love scene si Yen sa Patikim-Tikim at ayon sa kanya, mas komportable siyang kapareha ang kapwa babae.
“In real life, I like women. Nagagandahan ako, naa-attract ako, but I wouldn’t really be in a relationship with one.
“Mas preferred ko yung girl-to-girl [love scenes] since mas comfy ako.
“Alam kong hindi ako binabastos, walang thoughts na ganoon.
“Kasi, aware pa rin naman ako especially with love scenes with guys. I know how guys play.
“I am just doing work but diyan ka lang. Do your job. May boundaries lang.
“I set my boundaries kasi I don’t want them to feel na porke’t ginagawa ko ito, puwede mo akong pag-isipan nang ganoon,” deklarasyon ni Yen, na minana ang pagiging prangka ng kanyang ama.
Nang punahin naman ang malaking pagkakahawig nila ni Nadine Lustre, reaksiyon ni Yen, “I feel okay about it. There’s nothing wrong since I know she’s a good person.
“It’s nice to be compared to someone who’s good and has purpose so I don’t give a damn. It’s nothing.”
(pep.ph)