Hindi kaila kung paano niyakap ni dating Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang kultura ng European basketball.
Kaya naman maging sa kanyang teams na hinahawakan, importante sa kanya ang value ng ball movement at chemistry.
Ayaw niya ang isolation plays na tipong maluluma ang bolang hawak ng player bago ito gumawa ng desisyon kung titira o papasa.
Hindi na na-sorpresa si Guiao na makitang maglalaban para sa gintong medalya ay ang dalawang European teams na Germany at Serbia.
Tinalo ng Germany ang crowd favorite na Team USA, 113-11, habang ginapi naman ng Serbia ang Canada, 95-86.
“The US admitted that they didn’t send the best players for the FIBA World Cup, but that doesn’t mean they sent pushovers. They still sent a talented team. They sent the next best talented players,” ang sabi ni Guiao.
Walang nagawa ang malalaking players ng Team USA sa mga front court players ng Germany nukod pa sa mas balanseng oensibang ipinakita ng koponan mula sa Europa na pinangungunahan nina National Basketball Association players Dennis Schroder, ang Wagner brothers na sina Moritz at Franz at si Daniel Theis.
Pero bukod sa mga players na nabanggit, higit na kuminang ang laro nia Andreas Obst, ang dead shot guard ng Germany, na nagpakawala ng mga masasakit na outside shots.
Naranasan ni Guiao na makita kung paano gulpihin ng mga European teams ang kanyang koponan.
Walang naiuwing panalo ang Gilas noong 2019 sa pamumuno ni Guiao, na nagbitiw kaaghad sa kanyang tungkulin bilang head coach matapos ang kampanya.
“It’s clear that the advantage of the Europeans are the more skilled big men,” dagdag pa ni Guiao. “The US didn’t have a Joel Embiid or a Bam Adebayo to match up with the highly-skilled big men on the European side – the Moritz brothers and Theis from Germany, (Nikola) Milutinov of Serbia or even Jonas Valunciunas of Lithuania,” said Guiao.
“The skill set of those big men from Europe was the difference because the guards of the US can be easily matched up by teams from the rest of the world, but their big men couldn’t hold their own against their counterparts. They only have Jarren Jackson, Paolo Banchero and Walker Kesler to rely on up front and we know they’re not the best big men in the NBA.”
Limang beses na nag-kampeon ang mga Amerikano sa FIBA World Cup, pero huling beses silang nagkampeon ay noon pang 2014 sa Seville, Span kung saan dito nakabalik ang Pilipinas matapos ang 40 taong hindi paglalaro sa torneong ito.
Sa mga nakalipas na taon, nakita natin kung paano ang balanse ng kapangyarihan sa basketball ay lumipat na sa Europa.
Ang Yugoslavia ay limang beses na ring nag-kampeon habang tig-dalawang beses naman angt Spain at Brazil. Ang Argentina ang kaunaunahang nagkampeon dito noong 1950.