Pinahihintulutan ang mga estudyante na magsuot ng lumang uniporme na mula sa Makati City kung hindi pa kaya ng Taguig Vity na magbigay ng mga bagong uniporme, ayon sa isang principal ng isang public school.
“If, for example, worst case scenario, that no supplies arrive, the children can use their old uniforms,” sabi ni Alma Cayabyab Adona, principal ng West Rembo Elementary School sa isang panayam ng Dyaryo Tirada kahapon.
Paliwanag ni Adona, puwede rin magsuot ng ordinaryong t-shirt o kahit anong maaaring gamitin sa pagpasok sa paaralan.
“It is not necessary to wear fancy clothes, what’s important is that they are recognized as students lf this school because they have already enrolled, so we have a list of our possible students here,” dagdag niya.
Sinabi ni Adona ang Taguig city government ay ikinakasa na ang school supplies para sa mga mag-aaral.
“There is still time to prepare and provide the needs of the school children,” aniya.
“But, if there were supplies coming from Makati, why not? We can use it for the meantime while the supplies coming from Taguig have not yet arrived,” anang principal.
Nauna nang inihayag ng Makati na ipagpapatuloy nilang pagkalooban ng libreng school supplies ang mga estudyante sa 14 EMBO public schools.