Buong pagmamalaking inianunsyo ng aktres na si Lovi Poe ang kanyang engagement sa British film producer na si Montgomery Blencowe noong kamakalawa.
Ibinahagi ng aktres ang balita sa isang Instagram video na ipinapakita ang kanyang engagement ring.
Base sa caption ni Poe, naganap ang engagement ilang taon na ang nakalipas.
“A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring.”
Dagdag ng aktres sa post, “We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you.”
Nakatanggap si Poe ng matatamis na pagbati mula sa mga tagahanga at iba pang artista.
Unang namataang magkasama ang mag-nobyong Poe at Blencowe noong Hunyo 2019 sa England.
Mula noon, madalas na silang makitang nagbabakasyon sa United States at Europe, gayundin sa Boracay at Samal Island noong bumisita ang British film producer sa Pilipinas noong 2019.