Isang international singer ang muling nakapansin sa Kapamilya aktres na si Andrea Brillantes.
Noong 08 Agosto, kasabay ng ikapitong anibersaryo ng South Korean girl group na BLACKPINK, napansin ng miyembro ng girl group na si Rosé ang aktres sa Instagram livestream.
Tinanong ng singer sa livestream kung ano ang pinaka hindi malilimutang sandali ng mga tagahanga ng nasabing girl group na agad sinagot ni Brilliantes ng “My fave memory was when you noticed me for my promposal.”
Nakita ni Rosé ang komento ng aktres at sinabing, “Oh, was that you? I think it was somewhere in Southeast Asia, where was it? I don’t know [where it was], but I do remember [the proposal]. I do. We have never done that before.”
Agad na tumugon ang Kapamilya aktres: “We broke up now,” pero tiniyak niya sa singer na maayos na ang kalagayan niya ngayon.
“I’m happy that you’re happy,” aniya ni Rosé.
Matatandaang nag-propose si Brilliantes sa kannyang ez-boyfriend na si Ricci Rivero sa concert ng BLACKPINK noong March 2023.
Sa kalagitnaan ng concert, napansin ni Rosé at ng isa pang BLACKPINK member na si Lisa ang signage na hawak ng aktres na may nakasulat na “promposal.”
Noong nakaraang buwan din ay nakausap ni Brillantes ang American singer at aktres na si Sabrina Carpenter sa kanyang “Emails I Can’t Send Tour” na ginanap sa New Frontier Theater, Quezon City.