Malapit nang lumipat sa kanyang mala-palasyong bahay si Kathryn Bernardo.
Tapos na kasi ang bahay na ipinagawa ng controversial actress at ngayon ay pinagkakaabalahan niya ang interior ng kayang balaysung.
Nag-post ang Neat Obsessions, ang napiling home organizer ni Kath, ng ilang photos na nagpapakita kung anog ang ginagawa nilang preparasyon para maging maayos ang bahay ng aktres. Sa isang Facebook site ay lumabas ang ipinost nitong photo.
“I can’t believe this is really happening! This move was pushed back several times but I am so glad to witness every bit of it: from planning, designing, execution and now moving in!
“Cheers to new beginnings @bernardokath @bernardomin @kcmb23 and the rest of the Bernardo fam! Home stretch baby! Let’s do this!”
‘Yan ang magkasunod na caption sa ilang photos na kuha kasama si Kath.
Of course, tuwang-tuwa ang fans ni Kathryn sa post na iyon.
“May you and your family Tita Min and Kathryn be abundantly Blessed moving forward. To brighter tomorrow’s.”
“Patour din po agad ng house or mga org na ginawa niyo po. Tnx.”
“Congratulations Bernardo Family!”
“Thank you for sharing these pictures, @neatobsessions . And thank you for being there for Kath.”
***
Hindi nagpansinan ang magdyowang starlets na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi nang umapir sila sa isang event ng kanilang iniendorsong softdrink brand.
Kitang-kita sa isang Tiktok video uploaded by trendingvivid Tiktok account na deadma ang dalawa sa isa’t isa gayong isang tao lang ang nasa pagitan nila. Ni hindi sila nag-hi or hello man lang sa isa’t isa. Halata mong imbiyerna sila sa isa’t isa.
“Walang pansinan Kyline & mavy😢 #kylinealcantara #mavylegaspi”
‘Yan ang caption sa tiktok video post.
Makikita si Mavy na nagpaka-gentleman pa at gustong alalayan si Kyline na talagang hindi namansin at ang akala mo ay kung sinong reyna. Nag-hand gesture kasi ang binata na gusto niyang alalayan si Kyline pero deadma lang ang starlet ng Kamuning. Tuloy-tuloy itong naglakad at ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang binata.
With this, nakita ng madlang pipol kung sino talaga ang may manners at walang manners. Marami ang naawa kay Mavy sa ginawang pang-iisnab ni Kyline na akala yata sa sarili niya au ubod siya ng ganda gayong parang commoner lang naman ang kanyang hitsura.
Ang chika, sobra raw selosa itong si Kyline kaya naman parang na-suffocate na si Mavy. Lahat na lang daw ay pinagseselosan ni Kyline kaya napikon na yata ang anak ni Carmina Villaroel.
Ang selos, para sa amin, ay signal ng insecurity. Baka nga masyadong insecure itong si Kyline dahil sobrang guwapo ni Mavy at makikita mo talagang hindi sila bagay kapag magkasama.
***
Mapapanood na simula ngayong Pasko ang inaabangang movie comeback ng premyadong tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa official entry ng Star Cinema para sa 49th Metro Manila Film Festival na “Rewind,” sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
Iikot ang pelikula kay John (Dingdong) na nais ibalik ang inaksayang oras para makabawi sa kanyang asawa na si Mary (Marian) matapos ang aksidenteng kikitil ng kanyang buhay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Lods (Pepe Herrera) na tutulong sa kanyang maibalik ang oras para makabawi kay Mary at sa kanilang anak na si Austin (Jordan Lim). Pero, ang lahat ng ito ay may kapalit na paniguradong gugulantang pa lalo sa buhay ni John.
Para kina Dingdong at Marian, labis nilang ikinatuwa na pangunahan ang official entry ng Star Cinema, kaisa ang APT Entertainment at Agosto Dos Pictures. Anila, dream come true sa mag-asawa ang bumida sa pelikulang tulad nito para sa kanilang pagbabalik sa big screen matapos ang ilang taon.
Pinuri rin nina Direk Mae at writer nitong si Enrico Santos ang mag-asawang DongYan, at para sa kanila, talagang binigyang-buhay at bagay sa kanila na gampanan ang mga karakter nina John at Mary.
Kasama rin sa cast ng “Rewind” sina Sue Ramirez, Joross Gamboa, Lito Pimentel, Ina Feleo, Ariel Ureta, Pamu Pomerada, Mary Joy Apostol, Via Antonio, Chamyto Aguedan, at Coney Reyes.
Samantala, tumabo rin ng milyon-milyong views ang official trailer nito. Matapos ang trailer drop ay humakot ito ng higit 16 million views sa loob ng 24 oras sa online platforms ng Star Cinema at ABS-CBN.