Maghaharap sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Presidente Rodrigo Duterte sa unang pagkakataon sa , sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa 24 Hulyo, mula nang bumalik sa bansa ang dating punong ehekutibo galing sa pulong kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing noong Lunes, 17 Hulyo.
Kinompirma ni Duterte ang pagdalo sa ikalawang SONA ni Marcos Jr., ayon House Secretary Reginald Velasco, kasama ang anak na si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Maging sina dating Pangulo at House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada ay pupunta rin sa SONA.
Habang si dating Vice President Leni Robredo ay tinanggihan ang imbitasyon ng administrasyon para sa SONA.
Sinabi ng House Secretary General na naglaan sila ng isang special room para sa mga panauhin na may comorbidities at may edad na.
Isang sikat na singer na hindi tinukoy ni Velasco ang kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA habang isang choir mula sa Tacloban ang magtatanghal sa pagbubukas ng 19th Congress Second Regular Session.
Naunang inihayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagsuspinde sa klase sa lahat ng antas upang maiwasang maabala ng mga saradong daan.
Desidido naman ang ilang transport groups na ituloy ang tatlong araw na tigil-pasada simula sa Lunes bilang protesta sa anila’y ‘di patas na pagpapatupad ng pamahalaan sa
Omnibus Franchising Guidelines o ang Public Utility Vehicle Modernization Program framework.
Sinabi ng transport group Manibela, may 200,000 miyembro nila ang lalahok sa transport strike.