Nitong nakaraan ay ipinaliwanag ng aktres na si Maxene Magalona ang relevance ng kanyang mga tattoo sa kanyang personal life at ayon sa kanya, itinuturing niya itong mga battle scars.
Maraming tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Maxene, kabilang na riyan ang tattoo niya sa left wrist at isa na matatagpuan naman sa kanyang batok at ayon sa anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.
“The very first tattoo that I had done this ‘la fille à papa’ which means ‘daddy’s girl’ in French. I got this during my dad’s first death anniversary kasi I want to remember his love for me. Ang naisip ko parang si Papa lang talaga ang magmamahal sa akin ng tunay,” kuwento ni Maxene sa isang panayam.
“And I get it in the language of French kasi may dad’s nickname is Frans. So parang it all ties together. And I put it here (pulso) para I will always remember to live my life to the fullest para nakikita ko talaga siya,” dagdag pa niya na ang tinutukoy nga ay ang yumaong OPM icon na si Francis M.
“Then the next one I got is the tiara tattoo because I am the daughter of the King of Rap, so I am a princess. Ang nakalagay all you need is faith, trust and a little bit of pixie dust. Because I feel that I’m a fairy, we’re fairies and we’re just here to sprinkle good and energy,” sabi ni Maxene.
May Hello Kitty ribbon din siya sa kanang pulso.
“I am obsessed with Hello Kitty kasi when I see Hello Kitty, she brings me so much joy and she’s a worldwide icon. She’s her own brand and she’s your friend. Gusto kong maalala ‘yon na the simple things in life are the most important ones,” saad ni Maxene.
Nagpa-tattoo rin daw siya sa Bali, Indonesia noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan sila nag-stay nang isang taon dahil doon na siya inabot ng lock down.