Dalawa sa sampung pelikulang Pilipino na kalahok sa ASEAN International Film Festival and Awards 2023 ay mula sa direksyon ni The Cult Director Roman Perez Jr.
Ang Kaluskos at Sitio Diablo ay mapapanood mula Agosto 2 – 4 sa Kuching Sarawak, Malaysia.
Bida sa Kaluskos ang aktres na si Coleen Garcia bilang Rebekah at nakipagtagisan siya sa husay nina Queenzy Calma, Karl Medina, Cara Gonzales.
Habang sa Sitio Diablo na isang kuwento tungkol sa tunggalian ng dalawang gang na kinatatampukan ni AJ Raval, Azi Acosta, Kiko Estrada, Joko Diaz.