Natupad na ang isa sa mga nasa bucket list ng TV host-actress na si Bianca Gonzales ilang araw bago ang kanyang kaarawan – ang ipa-tattoo ang pangalan ng kanyang mga anak na sina Lucia at Carmen.
Sa kanyang IG, proud na ipinakita ni Bianca ang pagpapa-tattoo sa kanyang dalawang braso.
“Last weekend, got to check off an item from my bucket list before my 40th. Thank you to my husband, [JC Intal], my enabler,” sabi ni Bianca.
Ibinahagi rin niya ang tila font style ng ipinalagay niya.
“My daughters’ name in my handwriting on my skin honestly feels magical,” saad niya sa isa pang IG Story.
At siyempre, hindi rin nakaligtaang iplex ng TV host ang finish product ng kanyang tattoo as a proud mom.
Matatandaang ikinasal sina Bianca at JC noong 2014.
Taong 2015 nang ipinanganak ni Bianca ang panganay nila na si Lucia Martine at noong 2018 naman nang isinilang niya si Carmen Eliana.
Samantala, si Bianca ang kasalukuyang isa sa mga host ng reality singing competition ng ABS-CBN na “The Voice Kids.”
Kasama niya bilang co-host si Robi Domingo na nakasama rin niya sa pagho-host ng ilang edisyon ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother.”