Inihayag ng pamunuan ng Manila North Port nitong Huwebes na maantala ang biyahe ng dalawang barko ng isang shipping company sa Manila North Port patungong Cebu at Bacolod.
Ang orihinal na schedule ng biyahe ng dalawang barko ay ngayong Huwebes ng gabi pero naurong ito sa Sabado pa.
Payo naman ng Philippine Ports Authority sa mga pasahero, ugaliing i-tsek ang mga social media pages ng mga shipping lines para updated sa abiso kung may delay sa magiging biyahe.
Sabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte, may mga libreng pa-lugaw naman sa pier para sa mga pasaherong naantala ang biyahe.
“Ang advise natin sa ating mga pasahero, mas maganda pa rin kung makipag-coordinate sa mga shipping lines at siyempre huwag na po silang magdala ng napakaraming gamit dahil tayo po ay naka-red alert pa rin,” payo ni Samonte.