Hinihinalang binugbog hanggang sa mapatay ang isang 27 anyos na lalaking magsasaka sa Tagkawayan, Quezon nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Ginard Caña ng Sitio Looban ng naturang munisipalidad.
Batay sa imbestigasyon, huling namataan si Caña bandang alas-9:30 ng gabi na nakatayo sa tapat ng bahay ng suspek na si alyas Michael, edad 41, nang bigla umanong nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa.