Napatay ng isang lalaki ang 12 niyang kamag-anak sa isang bihirang pamamaril sa Iran, ayon sa ulat ng media ng estado noong Sabado.
“Isang 30-taong-gulang na lalaki, na naudyukan ng isang hindi pagkakaunawaan ang pumatay ng 12 miyembro ng kanyang pamilya, kabilang ang ama at kapatid na lalaki, gamit ang isang Kalashnikov na armas malapit sa bayan ng Faryab,” sa lalawigan ng Kerman, pahayag ng punong mahistrado ng probinsiya na si Ebrahim Hamidi, ayon sa balita ng IRNA.
Napatay ang lalaki nang siya’y makipagbarilan sa mga pulis na humuhuli sa kanya, dagdag ng IRNA.
Bihira ang mass shooting sa Iran, kung saan ang mga tao ay pinapayagan lamang na magkaroon ng mga riple para sa pangangaso.
Ang huling pamamaril ng maraming tao sa Iran ay noong Enero kung kailan nagpaputok ang isang bagong kuhang kadete ng hukbo sa loob ng base militar sa parehong probinsiya, na ikinamatay ng hindi bababa sa limang sundalo bago siya tumakas.