Isang spaceship mula sa Amerika ang susubok na lumapag sa buwan ng Huwebes (ngayong araw sa Maynila), ang pangalawang pribadong tangkang magdala roon ng robot matapos mabigo ang naunang pagsubok.
Ang Intuitive Machines, ang kumpanya sa Houston, Texas na nag-organisa ng misyon na “IM-1,” ay umaasa na maging unang pribadong kumpanya na makapagpalapag ng spacecraft sa buwan mula noong misyong Apollo ng pamahalaang Amerika mahigit limang dekada na ang nakalipas.
Ang hugis hexagonal na Nova-C lander nito na pinangalanang “Odysseus” ay nakatakdang dalhin ng Falcon 9 rocket ng SpaceX mula sa Kennedy Space Center sa Florida alas 01:05 ng umaga ng Huwebes.
Miyerkules sana ilulunsad ang IM-1 ngunit ito’y ipinagpaliban matapos matuklasan ng SpaceX ang mga abnormal na temperatura habang nilalagyan ng fuel ang Odysseus
Kung matuloy ang paglipad ng rocket, nakatakdang makarating ang Odysseus sa landing site nito na Malapert A, isang impact crater 300 kilometro mula sa south pole, sa Pebrero 22.