And just like that, pinatanuyan mula ni Kris Aquino sa lahat na wala pa ring katapat ang kanyang saysay at wawa factor kasi nga, huminto ang lahat para panoorin at pakinggang ang live via Zoom panayam niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” na nangyari nitong araw ng mga puso, na nagkataon na 53rd niyang kaarawan.
Sa chikahan niya kay Abunda, na dapat pala ay para sa “Kapuso Mo Jessica Sojo” dapat nangyari, sinalaysay ng mommy dearest nina Josh at James Jr. ang kanyang dalamhatu patungkol sa kanyang kalusugan. Pinagtapat ni Aquino na hindi mabentaha ang resulta ng kanyang blood panel test.
Bumaba sa 8.7 ang kanyang hemoglobin na ngayon lamang nangyari sa kanya at kung nasa Pilipinas daw siya ay baka binibigyan na siya ng blood transfusion.
Ang ginawa raw ng kanyang doktor ay itinaas ang dosage ng kanyang na gamot at nagkaroon ulit ng blood panel test matapos ang da;lawing linggo.
Inilahad rin ni Kris na mayroon na siyang pang-5 autoimmune condition na matatandaang naibahagi niya sa huli niyang update sa Instagram.
Ang 5th auto-immune disease niya ay wala pang opisyal na katawagang medikal pero sa ngayon ay uuriin iyo bilang ‘autoimmune mixed connective tissue disease.’
Patuloy pa ni Kris sa Zoom panayam: “Falling under that, Boy, is either SLE or Lupus na mas kilala or it could be rheumatoid arthritis.”
Aniya pa: “Delikado ang 4th autoimmune disease ko kasi inaatake naman nito ay ang lungs ko. May mga sugat nga rin sa right lung ko.”
Bukod dito, pati pala puso ni Kris ay apektado. Namamaga na ang muscles na nakapalibot sa kanyang puso, pati na rin ang gitnang bahagi nito.
Kwento pa ni Kris: “Mahirap para sa akin maglakad-lakad dahil one time uabit na sa 146 ang kanyang heart rate. Because of this pwede akong magka-cardiac arrest anytime.” Napakahalaga ng mga susunof na anim ba buwan para kay Kris. Dasal para sa kanyang kalakasan at paggaling ang lambing niya sa lahat.
Pahayag pa nito: “Ngayon ako hihiling talaga, I’m sorry na parang ang kapal ng mukha ko dahil ang tagal n’yo na akong ipinagdarasal but I really need that now because on Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart. Kung hindi ito tumalab, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in pwedeng in my sleep or kung anuman ang ginagawa ko, pwedeng tumigil na lang ‘yung pagtibok ng puso.”
May peligro ang pagsubok sa gamot na ito dahil hindi raw ito pwedeng ibigay kung hindi siya bibigyan ng steroid. Itong Lunes magsisimula ang paggamit sa bagong gamot na ito na apat na doses ang kanyang kailangan.
Maiklli lamang ang “Fast Talk” kaya hindi sapat ang oras nito para sa tell all ni Aquino. Tanggap naman niya ang mga kaganapan at alam niya na din na ang araw-araw niyang buhay ay ang pinakamalakiong biyaya at pahiram ng Diyos sa kanya.
“Binigyan ako ng bonus. So whatever days are left, kung anuman ang natitira, it’s a blessing but I really want to stay alive,” malumanay nitong sinambit. “Sino ba naman ang sasabihin na ‘handa na akong mamatay’? I don’t think any of us can say that.”
Patuloy ni Aquino: “Bimb is only 16. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything, lahat gagawin ko. Kasi hindi naman sikreto sa mga tao that ang kuya niya (Josh) falls under the auticism spectrum. Ako mismo, ako lang ang nagpalaki sa dalawa, kailangan pa nila ako.”
Sabi niya pa: “On the flipside of that, after Monday, wala na akong immunity. Puwede na akong dapuan ng kahit anon’g sakit at wala akong panglaban doon.”
Nagpasalamat si Kris kay Abunda at inihabilin niya ang kanyang dalawang anak sa kaibigan: “Nangako ka sa akin kagaya ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ko at ‘yung mga kapatid kong babae, nangako sila na kung anuman ang mangyari ay meron akong 2 kaibigan na lilipad dito para samahan ‘yung 2 boys.”
“I’m entrusting Bimb with you because the two will actually be going home in 2 weeks,” chika pa ni Kris.
Siyempre pa, Kris Aquino is Kris Aquino at siya lang talaga ang ang may K na makapagsabi nito kay Boy, ang biro niyang totoo na: “Napanood ko pumirma ka na kontrata sa GMA 7 kaya pwede ka na mag-share sa medical bills ko.” dahil Hindi napigilan ni Boy ang pagtawa dahil sa panunukso ni Kris.
Lambing muli nito kay Abunda: “Don’t laugh. That’s your gift. I saw the contract signing kaya sa ‘yo na ‘ko mangungumisyon.”
Ang pagtatapos pahayag ni Kris Aquino sa Zoom panayam: “I refuse to die. Talagang pipilitin ko because ang next chapter ko is to become a stage mother. Lalaban at lalaban ako, Wala sa bokabularyo ko ang pagsuko.”