Inamin ni Kim Chiu na sa ngayon ay talagang pinag-iisipan pa niya kung talagang lalagay na siya sa tahimik kasama ang kanyang nobyong si Xian Lim dahil mahigit 10 years na ring magkarelasyon ang dalawa.
Ang mga fans nila, nagtatanong na tuloy kung kailan sila magpapakasal.
Ayon naman kay Kim, depende pa sa kanilang dalawa kung ano ang patutunguhan ng kanilang relasyon.
“Mas kabahan ka kapag nabuntis at di pa ikinasal, matakot tayo nu’n!” ang natatawang biro ni Kim. Ngunit bigla siyang sumeryoso sabay dialogue ng, “Kung kailan? Depende, depende, basta happy kami,” sabi ni Kim.
Samantala, abot-langit din ang pasasalamat ni Kim sa mabilis na paggaling ng nakatatanda niyang kapatid na si Lakam Chiu na ilang araw na na-confine sa ICU dahil sa kanyang karamdaman.
Mismong si Lakam ang nagsabi na nawalan siya ng pandinig, hindi siya makapagsalita at hindi makakita dahil sa virus na tumama sa kanya.
“Matindi talaga. Kaya very thankful ako (na maayos na ang kapatid). Wala, ang Panginoon ang nag-ano ng lahat. Di ko rin alam ang sagot basta very happy lang. Sobrang okay na siya. Malaki ang isinakripisyo ng Ate ko para sa akin, kaya sasamahan ko siya hanggang sa pagtanda niya,” sabi ng dalaga.
Inamin naman ng aktres na tulad ng ibang magkakapatid, may mga pagkakataong nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan, pero aniya, napag-uusapan at naaayos naman daw agad.