Hindi nakalimutan ni Daniel Padilla na magpasalamat sa kanyang former ka-love team at former jowa na si Kathryn Bernardo nang muli siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon, February 12.
Sa kanyang maikling speech ay pinasalamatan niya ang dating karelasyon.
“Siyempre hindi ko pwedeng kalimutan si Kathryn. Maraming maraming salamat Kathryn sa ating maraming taon na pinagsamahan. You know, hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories at ating mga adventures, journeys na pinagsamahan. Thank you very much,” sabi niya.
Last week ay nag-renew ng kontrata si Kathryn sa ABS-CBN.
Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Daniel ang KathNiel fans na nagpakita ng labis na pagmamahal at suporta sa kanilang love team.
“Sa lahat ng taon ng pagsasama natin hinding-hindi mawawala sa puso ko at sa aking memories ang lahat ng ating pinagsamahan, ang ating mga journeys and adventures na ating pinagsamahan,” say niya.
“For me, walang pa ring fans club na makakatalo sa KathNiel. Sorry, but it’s true,” dagdag pa ng Supremo.
Mix ang reaction ng netizens sa pagpapasalamat ni Damiel Kay Kathryn. May nagkagusto sa kanyang message pero merin din naming nam-bash.
“Good for him to acknowledge Kath. They really helped each other.”
“Dami alam Ng mga to eheheh kala mu sila Ng sama Nung mga artista ehehhe bsta skin masya n q n Ng pasalamat sya Kay kath hnd siya nkalimut qng Anu man Ang pinag mulan qng bkit sila Ng break Wala n tyu dun.”
“Isa lng tlga nkita ko sa cnbi mo mhal n mhal po prin si kath period! Wag k susuko Deej for kath.
“UMAY MAXADO PAPANSIN AT USER TONG LALAKE NA TO. MAGAGANDA PALA PINAGSAMAHAN NIYI EH BAKET MO PAULET ULET NILOKO AT PAULET ULET KA DIN PUMATOL SA KUN SINO SINO BABAE? DIKA NALAN MANAHIMIK JUSKO USER.”
***
Marami ang bumati kay Donny Pangilinan nang mag-celebrate ito ng kanyang birthday kasama ang kanyang pamilya.
Ang bongga ng celebration dahil ginanap ito sa bahay na ipinagawa ni Donny.
“Level 26. New world unlocked.”
‘Yan ang caption ni Donny sa kanyang IG photo kung saan makikita siyang kumakain haband nakahubad ng damit.
Of course, hindi rin naman nakalimot na batiin si Donny ng kanyang Can’t Buy Me Love leading lady na si Belle Mariano.
“Today is your day, happy birthday nato,” say ni Belle sa caption niya ng mga photos ni Donny.
“Happy birthday to a genuinely good man who hasn’t changed one bit from the young boy I met at 12yo to today. Always behind you and rooting for you Donny and your family. You are a beacon of light in the industry. You’re a different kind of leading man as you don’t just lead well onscreen but also live well offscreen. We love you,” say naman ng isang fan.
Magandang pa-birthday kay Donny ang latest achievement ng show nila ni Belle dahil patuloy na tinutukan ng manonood ang “Can’t Buy Me Love” dahil sa sunod-sunod nitong pasabog, rebelasyon pati na ang kwela nitong eksena kaya naman umani na ng higit 500 million views ang serye sa Facebook, TikTok, Instagram, at Twitter this February.
Araw-araw laman nga ng social media ang serye dahil nga sa samu’t saring teorya ng manonood sa nakaraan nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano). Bukod sa pausbong nilang relasyon na kinakikiligan ng kanilang fans, tuwang tuwa rin at trending ang nakakatawang eksena nina Snoop (Anthony Jennings) at Irene (Maris Racal).
Ngayong linggo, natunghayan ng manonood ang grand entrance ni Annie (Ina Raymundo) na ikinagulat ni Gina (Ruffa Gutierrez). Takot na takot nga ito kung ano ang pakay nito sa kanyang pagbabalik.
Samantala, patuloy ang pagtutulungan nina Bingo at Caroline para hanapin ang babaeng palaging nakasuot ng may black feathers. Tingin nga nila na may kaugnayan ito sa pagkamatay nina Edward (Enzo Pineda) at Divine (Shaina Magdayao).