Napaiyak sa tuwa ang aktres na si Anne Curtis matapos siyang purihin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez at ayon sa aktres ay hindi niya inakalang pupurihin siya ni Regine on national TV.
Sa isang video, mapapanod ang naging komento ni Regine kay Anne kaya naman nagpasalamat kaagad ang TV host sa singer/
Sa isang video clip ni Anne mula rin sa isang episode ng naturang Kapamilya talk show, buong-ningning na sinabi ni Regine na nasa tono na raw ang pagkanta ng aktres.
“Tingnan mo si Anne, ‘di ba dati si Anne ‘yong tawang-tawa lang tayo. Bakit tayo natatawa sa kaniya? Kasi wala siya sa tono, e,” sabi ni Regine. “Pero actually ngayon, nasa tono na siya, e. Actually, gumaling na nga siya, e. Kasi pinagpursigihan niya. And she actually loves it, she likes it.”
Ni-repost nga ito ni Anne sa X at nilagyan ng caption.
“Wait lang madam @reginevalcasid. Naiiyak ako. Thank you so much. Nakahelp din talaga ang voice lessons ko with miss Kitchie Molina. thank you for your kind words,” mensahe pa ni Anne kay Songbird.