Matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla noong isang taon, bukas muli si Kathryn Bernardo kahit kanino.
Dahil pumirma na siya ng panibagong kontrata sa Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN, magkakaroon siya ng mga proyekto katambal ang ibang mga bituin.
“Bukas akong makatrabaho kahit sino,” pahayag ni Kathryn sa reporter ng ABS-CBN News na si MJ Felipe, nang siya’s tanungin kung sino ang nais niyang makatambal sa mga gagawing bagong pelikula.
“I’m really open to work with different leading men or different women na alam kong may matututunan pa ako,” dagdag ng 27 anyos na aktres, ayon sa ulat ng Pep.ph.
Nang tanungin tungkol sa kanyang mga pangarap na collaborations, binanggit ni Kathryn ang kanyang top pick — ang maalamat na si Vilma Santos, isang respetadong beteranong aktres at dating gobernador ng Batangas.
“Kung may Top 3 ako na gustong makatrabaho, of course, Ms. Vilma. Santos. Why not?” aniya.
Bukod pa rito, nagpahayag ng interes si Kathryn na makasama si Piolo Pascual, bilang tugon sa kanyang pagnanais na makipagtulungan.
Samantala, nilinaw ng Kapamilya star ang larawan niyang kasama ang aktor na si Jericho Rosales at iba pa sa Marikina Sports Complex noong Enero 29.
Lalong tumaas ang buzz sa paligid nina Kathryn at Jericho nang lumabas ang mga larawan ng dalawa na ipinapakitang kasama sina John Manalo at mga fans matapos ang isang late-night jog sa complex.
“We were just having fun, working out, yun lang,” sabi ni Kathryn, ayon sa ulat ng Pep.ph.