Ang import ng San Miguel na si Bennie Boatwright ay balak ipa-naturalize upang maisama sa hinaharap na pambansang koponan sa basketbol.
Binunyag ito ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, ayon sa ulat ng Spin.ph.
Kinumpirma ng coach rin ng Barangay Ginebra San Miguel ng Philippine Basketball Association na ipinarating niya at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa 6-foot-10 na dating manlalaro ng USC Trojan ang pagnanais nilang maging naturalized player siya.
Subalit wala pang katiyakan ang plano, ayon kay Cone, na nasa Korea para manood ng laro ng kanyang anak na si Trevor sa isang liga roon.
Si Boatwright ay pamalit sa dating import na si Ivan Aska sa PBA Commissioner’s Cup. Nagtala siya ng average na 37.2 puntos, 11.8 rebounds at 3.8 assists sa pagdala niya sa Beermen sa finals.
Mula nang maglaro sa koponan ay hindi pa ito natatalo.
Hindi lang naman isang naturalized player ang balak kunin ng SBP para sa Gilas, paglilinaw ni Al Panlilio, pangulo ng SBP. Ang programa sa naturalized player ay upang magkaroon ng tagapuno ng kakulangan ng pambansang koponan, aniya, ayon sa ulat ng Spin.ph.
Sa nasabing program, ang mga naging naturalized player ay sina Marcus Douthit, Andray Blatche, Ange Koaume at Justin Brownlee.