May paalala si Ysabel Ortega para sa mga naglalakbay sa Los Angeles, California, pagkatapos niyang magbayad ng $15 sa mga naka-costume na mga karakter.
Sa isang video na in-upload niya sa TikTok, binanggit ng Sparkle star ang tungkol sa kanyang kasalukuyang pananatili sa Estados Unidos.
“Alam niyo ba, unang araw pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung hotel namin nasa Hollywood Boulevard, at pumunta kami sa Walgreens,” kwento niya. “Nakatayo lang kami sa Hollywood Boulevard, ina-appreciate lang namin.”
“May lumapit na Spider-Man at Mickey Mouse tapos ang bait nila. Sabi ko, ‘Ang bait naman nila!’ Pero medyo na-feel ko na parang something’s off,” dagdag ni Ysabel.
Nilapitan nila si Ysabel at kinunan ng litrato ang mga sarili katabi ang aktres. Napaisip siya, ‘Okay, sige, hindi naman sila naningil.’ So akala ko, okay lang, hindi naman sila naningil. So ngumiti ako, sige. Tapos siningil ako ng $20,” aniya.
Naalala ni Ysabel na sinabihan siya sa immigration sa airport na hindi siya mukhang 25 taong gulang.
“So sinabi ko, ‘Sir, I’m just a minor…”
Siningil na lamang siya ng $15.
“Pero nung kinonvert ko, ate, P2,000 ba ‘yun?” sabi niya.
“So, kung may lalapit sa inyo na Spider-Man or Mickey Mouse dito sa Hollywood Boulevard, ‘wag kayong magpapa-picture,” payo ng nabudol na dalaga.
Naging 25 taong gulang lang si Ysabel noong nakaraang buwan at minarkahan niya ang kanyang espesyal na araw ng pagkuha ng mga nakamamanghang black-and-white na larawan ng kanyang sarili.
Kamakailan ay nagbida si Ysabel sa “Firefly” kasama sina Miguel Tanfelix, Alessandra de Rossi at Euwenn Mikaell. Kinilala anf “Firefly” bilang Best Picture sa 2023 Metro Manila Film Festival.