Pinag-iingat ngayon ang publiko laban sa mga scammers at manloloko na hahanapin ang kahinaan ng puso ng kanilang bibiktimahin para mahuthutan ng pera.
Ayon sa grupong Scam Watch Pilipinas, may walong uri ng love scammer na inaasahang mas magiging aktibo ngayong Pebrero na buwan ng pag-ibig.
“Mag-ingat sa inyong puso ‘wag padalos-dalos, may love scam. Pairalin natin ang utak kung scam o hindi,” paalala ni Undersecretary Alexander Ramos, Executive Director, Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
“Wala naman problema kapag naghahanap kayo ng ka relasyon sa online. Ang red flag talaga diyan, magiging biktima ka oras na nagbigay ka rin ng pera,” sabi naman ni Police Colonel Jay Guillermo, Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group chief, Cyber Response Unit.
Ayon naman kay Jocel De Guzman, co-founder of ScamWatch, ang pinakamasakit sa panloloko ay paiibigin talaga ang biktima.