Nagpakilig ang DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano) sa latest episode ng Can’t Buy Me Love.
May isang eksena kasi ang dalawa na naghaharutan sa putikan at talagang ang daming kinilig nang gawin nila iyon.
Lumabas ang eksena nila sa Instagram page nina Belle and Donny kaya naman marami ang nag-react sa kilig scene na iyon.
“My favorite is Bingo’s “Tama na kase!!!” Hahaha the cutest part of this scene!”
GRABE ‘TONG SCENE NA TO PLS
“Those smiles, those gazes and those touches, DonBelle na to, top tier and overflowing chemistry at its best.”
“Grabe yung scene nato. Natural na natural pati yung baby boy ko natuwa kay BingLing cute nila.”
“I’m so loving every BingLing scene na talaga!!! My rom-com heart is so happy!!”
“Sarap gawing ringtone tawa ni @belle_mariano.”
Mukhang ayaw magpatalo ng DonBelle sa mga nakakakilig na eksena nina Maris Racal at Anthony Jennings bilang Irene Tiu at Snoop. Napansin na kasi ang tambalan ng dalawa dahil sa mga nakakaaliw at nakaktawang mga eksena nila sa show.
***
Amused na amused si Carla Abellana sa pagrereto ni Kris Aquino sa kanibigan nitong doctor sa kanya.
Nag-message kasi si Carla sa Instagram ni Kris, saying “Prayers for you Ms. Kris”.
Agad-agad naman ang sagot ni Kris who said, “If you’re already in the process of getting annulled, we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”
“I find it amusing and at the same time nakaka-flatter kasi naiisip niya pa ako. May ganoong nirereto siya, may suggestion siyang ganon. Ok naman. Nakakatuwa!” say ni Carl after her contract signing with GMA.
Outright ay tila tinanggihan ni Carla ang offer ni Kris, saying, “Medyo mahirap iyon kasi all the way sa US. Medyo natatakot pa po ako.”
Anyway, nag-doubt pala si Carla kung kukunin pa siya ng GMA 7.
“2023 was a very scary year for me. I thought i was no longer wanted. But i held my head up high and prayed hard persistently,” say niya sa kanyang Instagram account.
“Today, God has proven yet again that His will prevails and that my faith in Him has made the long wait worth it. More importantly, He brought the right individuals (and loved ones!) together for me, to show me that i am and will always be in good hands.
“Lord, THANK YOU. I know you always have my back. To my home network for the past 15 years, THANK YOU for your continued trust, love and belief.
“SOLID and STILL a proud KAPUSO,” dagdag niya.
***
Muling nagbubukas ang entablado para sa mga munting tinig sa pagbabalik ng “Tawag ng Tanghalan Kids” sa “It’s Showtime noong Lunes (Enero 29).
Bawat episode, tatlong palabang boses ng kabataan ang magtatapat-tapat para ipakita ang angking galing sa kantahan para hiranging bilang daily winner at may pag-asa samahan si Jhon Talili bilang bagong grand champion.
Si Ihron mula sa Southern Leyte ang itinanghal bilang daily winner matapos niyang mapabilib ang hurados na sina Roselle Nava, Jason Dy, at Elha Nympha at makakuha ng 96.7%.
Samantala, tinutukan din ng manonood ang special episode ng “EXpecially For You” kung saan napanood ang kwento ng staff ng programa na isang LGBTQIA+ couple.
Bumuhos nga ang magagandang papuri para sa segment lalo na at nagbubukas ito ng malayang diskusyon tungkol sa kasarian at gender expression ng tao. Trending nationwide nga ang hashtag ng episode na #ShowtimeTNTKidsNa.
Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 11:30 AM mula Lunes hanggang Biyernes, at 12 NN tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang “Showtime Online U” sa YouTube channel ng “It’s Showtime.”