Umapela si House Speaker Martin Romualdez sa kanyang pinsan na si Senador Imee Marcos nitong Martes na dapat ay maging maingat ito sa mga binibitawang mga salita dahil nakikita umano sila ng mga kabataan.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos ang naging “patutsada” ng senador sa ginagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa hakbang na people’s initiative na paraan para amyendahan ang 1987 Constitution.
“Ang pakiusap ko lang kay Senator Imee. Hindi po kailangan ng bastusan. Pinakikinggan tayo ng mga kabataan at hindi magandang ehemplo ang ganito,” sabi ni Romualdez sa kaniyang pahayag para kay Imee na kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa ni Romualdez, dapat manatili pa rin ang respeto at pagiging sibilisado sa pagtugon sa mga isyu.
“Family ties in Philippine politics are deeply rooted, and while differences in opinions are inevitable, it is essential to approach these differences with a spirit of constructive dialogue and mutual respect,” sabi ni Romualdez.
“The phrase ‘Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo’ as expressed by Senator Marcos, reflects a passionate stance on issues we both care deeply about. As public servants, our primary focus should always be on the welfare of our constituents and the progress of our nation. It is in this light that I choose to interpret her words as a call to engage more deeply in our shared commitment to serve the Filipino people,” dagdag niya.
Kung matatandaan, nasabi ni Imee ang mga pahayag nang ipagtanggol niya ang Senado kaugnay naman sa pahayag ng nagsusulong ng PI na hindi dapat makialam ang kapulungan sa people’s initiative.
Nitong nakaraan kasi ay nagpahayag ng suporta si Romualdez sa people’s initiative para amyendahan ang economic provisions sa Saligang Batas at sinabing para sa diwa ng pagkakaisa at kooperasyon, sinabi ng kongresista na bukas siya sa “meaningful discussions” kasama ang senador “to address any concerns and work together for the betterment of our country.”
“It is through open communication and collaboration that we can best serve the interests of our people,” sabi ni Romualdez.
Nanawagan siya na itigil na ang bangayan at magtrabaho para sa mga mamamayan.