Sobrang thankful ng aktres na si Kris Bernal sa kanyang hubby na si Perry Choi at ayon pa sa kanya, tamang tao ang naibigay ng Panginoon sa kanya.
Ayon pa sa aktres, hindi raw siya nagkamali sa pagpili ng magiging ka-partner niya sa buhay at feeling super lucky din siya sa pagkakaroon ng mapagmahal na mister at responsableng tatay.
Kaya naman hindi lang daw siya ang swerte kay Perry kundi maging ang panganay nilang anak na si Baby Hailee Lucca.
Mula raw noong ikasal sila ni Perry at sa pagdating sa buhay nila ni Baby Hailee ay marami nang nagbago sa kanilang married life.
“Actually mas naging maganda, mas naging strong ‘yung relationship namin. Kasi nakita ko kung gaano rin siya ka-resilient noong nagka-baby kami. Talagang very responsible rin siya,” ang chika ni Kris sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
“It made me realize more na I chose the right person, I married the right man. I married the right person.
“Kasi doon ko na-realize na grabe, very supportive siya all the way kahit nakikita niyang hirap nahirap ako, talagang in-spoil niya ako,” saad ng aktres.