Dahil sa ilang mga negazens na humirit kaugnay sa bagong pelikula ng aktres na si Julia Barretto at seasoned actor Aga Mulach, umapela ang dalaga sa publiko na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang pelikulang “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.”
Nitong nakaraan kasi ay naging tampulan ng debate ang tambalan ng dalawa at karamihan nga sa mga netizens ay hindi sang-ayon sa takbo ng istorya dahil malayo raw masyado ang age gap nina Julia at Aga.
Sa kanyang IG, ibinahagi ni Julia ang isang post na may ilang eksena sa bagong movie.
“Please give our film a chance,” caption niya sa post at idinagdag na ang romantic film ay ipapalabas na sa darating na February 7.
Sa comment section, hati pa rin ang naging sentimyento ng netizens sa nasabing pelikula at may iilan ang nagsasabi na hindi angkop ang romantic film, habang ang iba naman ay nagpahayag ng kanilang suporta at sinabing aabangan nila ito.
Mapapanood sa trailer na ang role ni Julia ay bilang isang professional choir member, habang si Aga ay magsisilbing music conductor at may eksena pa nga roon na tila magkakaroon ng one-on-one music lessons ang dalawa dahil sintunado ang karakter ni Julia.