Dalawang kabataan ang namatay matapos mabagsaka ng isang puno sa Pinamungajan, Cebu nitong nakaraang Huwebes.
Batay sa mga ulat, isang 12 at 15-anyos ang nasawi.
Sa paunang imbestigasyon ni Police Sgt. Vincent Alquiza, nagpapahinga sa puno ang mga biktima matapos linisin ang damo sa sakahan nang bumagsak ang puno sa kanila at dad on the spot ang dalawa.
Agad namang isinugod sa ospital ang kasamahan nilang babae na tinamaan sa likod, habang nakatakbo palayo ang isa nilang kasamahan.
May sira na umano ang loob ng puno, ayon sa mga otoridad at napag-alaman rin na may pondo na umano ang lokal na pamahalaan para putulin ang puno pero mapanganib umano ito, ayon kay Alquiza.
Sinisilip din ng mga otoridad ang lakas ng hangin nang mangyari ang insidente. Wala naman daw foul play sa insidente.