Ang #BOYCOTTGMAxTV5xTVJ1049 pangmalakasan ang pagpaparamdam sa Ekis, huh! At ang may pasimuno sa mahigit na 10libong tweets at nadagdagan pa patungkol dito, ay ang hindi nagpapalupig na mga panatiko, ang AlDub!
Talaga naman! Ayaw nilang paawat sa AlDub pa rin! Kahit pa nga may asawa na si Maine Mendoza, na alam nating lahat ay si Arjo Atayde.
May panawagan pa rin silang “No To Solo Projects” kahit pa bukas na aklat na naging matagumpay ang “Five Break Ups and a Romance” ni Alden Richards na ang katambal sa nasabing pelikula ay ang love of my life ni Coco Martin, si Julia Montes. Marami ang mausisa at sabik na sabik sa pelikulang “Out of Order”, isang legal drama na si Richard ang magigig direktor at ang katambal niya si ang vavavoom calendar girl Heaven Peralejo. Siempre pa, may “Special Memory” pa si young master Faulkerson na ang kasama naman niya ay si Julia Barretto na hango sa isang sikat na Korean drama.
Kamusta naman ang panawagan niyo, mga militanteng AlDub eh palong-palo ang mga solong proyekto ni Alden at pawang mahuhusay na aktres ngayong henerasyon ang kanyang mga ka-starring?
Si Mrs. Nicomaine Dei Mendoza-Atayde, kitang-kita naman na “marriage becomes her” dahil in full bloom ang ganda at freshness nito. Tunay na new forever, happily ever after at pagmamahalang walang kapantay ang pagmamahalan nila ni Mr. Juan Carlos Atayde.
Pag dumating sa tamang panahon ang unang supling ng mga Atayde, ilalaban niyo pa rin ba, mga panatikong AlDub, na may kambal sina Alden at Maine?
Kapeng barako, yung walang krema at asukal, paki-tungga mga militanteng AlDub para nerbiyusin kayo, mabuksan ang mga mata, at gumising na sa ilusyon. Tama na po!
Sina Richards at Maine, hindi na kayo pinapansin at hinahayaan na kayo sa dako pa roon, sa madilim niyong paligid at di pag gasing sa inyong mga ilusyon.
Kesa nanggagaliiti kayo sa ngitngit at poot, at ang panawagan niyo namang boycott ay palagiang semplang, mas marami kayong pwedeng gawin na mainam at makatwiran para sa bayan, ekonomiya, kultura at pitong sining, sa totoo lang.
Good luck sa mga naka-line up na film proyekto ni Alden Richards at ipagpatuloy ang pagiging beautiful sunshine ng lahat, Maine Mendoza habang naghahatid ng isang libo’t isang tuwa, mula Batanes hanggang Jolo, tuwing pananghalian sa “Eat Bulaga”.
***
Totoo nga kaya na ang nag-iisang Richard Gomez, sa isang panayam, game na makatrabaho ang bathaluman ng bagong henerasyon, si Andrea Brillantes?
Sinabi nga ba ni ginoong Gomez na “maganda” si Blythe, ang Gen Z brilliant star at kung may magandang script para sa isang pelikula, gusto niyang makatrabaho ito?
Ay! Ayaw ni Aga Muhlach at Julia Barretto ng ganitong development, huh! At least masasabi si master Morning at pretty La Barretto na sila ang una at orihinal na nagtambal sa isang proyektong may 50-something leading man na may romantic involvement sa isang dalagang mid-twenty something.
Ang lamang lang sa ngayon ni Andrea, early twenties ito at kung alindog at kurbada ng pangangatawan ang labanan, mas palaban ang young miss na best in baby talk.
Kung sakaling may magsusugal na nga pagtambalin sina Richard at Andrea, may kakabahan kaya?
Sigurado namang hindi si Lucy Torres-Gomez na confidently beauty with a heart. Tama? Tama!
Wala namang ka-romansahang kumpiramdo si Brillantes. Ang pinaka-matalik niyang kaibigan at leading man sa kasalukuyan na marami ang nalulugod ay si Kyle Echarri.
Sa mga video clip sa Ekis kung saan may free show ang KyleDrea sa queen city of the South, Cebu, dumagundong ang mall venue sa sigawan at palakpakan, lalo na nung kumakanta ang dalawa at may mga yakapan pang real na real, walang dayaan at ilangan, sa true lang.
Sana nga kung may Gomez, Brillantes movie, kasama si Kyle Echarri para kakaibang tatsulok ng pagmamahalan ang ating mapapapanood, hindi ba naman?