Ibinuhos nang lahat ng San Miguel Beer ang lakas nito sa ikatlong yugto sa pamamagitan ng pagkamada ng 42 puntos bago pinigilan ang late rally ng Rain or Shine para iposte ang 127-122 panalo sa Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup quarterfinal round noong Biyernes sa Philsports Arena.
Sinimulan ni Bennie Boatwrght ang maagang pagsalakay ng Beermen, pagkatapos ay lumabas si Terrence Romeo sa bench at naging gamechanger nang sumali ang San Miguel sa early qualifier Magnolia sa semifinal round.
Ito ang ikaanim na sunod na panalo na naiposte ng Beermen, na ngayon ay tinatamasa ang longest-active winning streak sa anim, ngunit higit sa lahat ay nakapasok sa Final Four kung saan hihintayin nito ang mananalo sa pagitan ng Barangay Ginebra at NorthPort.
“Whichever team we’re going to face, we just have to come out prepared,” sabi San Miguel Beer coach Jorge Gallent.
Ngunit mas ikinatuwa ni Galent kung paano ibinahagi ng Beermen ang basketball, partikular sa ikatlong yugto, nang magsimulang humiwalay ang koponan.
Naungusan ng San Miguel ang Rain or Shine sa ikatlo, 42-22.
Ang Beermen ay nagpamalas ng ng kamangha-manghang 70.8% (17-of-24) sa ikatlong frame habang hawak ang Elasto Painters sa 35% (7-of-20) lamang mula sa field.
Anim na manlalaro ang nauwi sa double figures para sa San Miguel sa pangunguna ni Boatwright, na nagtapos na may 41 puntos, kabilang ang limang three-point shot.
Nag-ambag si Jericho Cruz ng 20 puntos habang si Romeo ay gumawa ng 15. Kapwa sila nagtala ng tig-pito para i-back up ang 13-puntos na produksyon ng import sa ikatlong yugto nang malaglag ang Beermen.
Tumipa si Chris Ross ng 14 puntos, may 13 si June Mar Fajardo at nag-ambag si CJ Perez ng 11 para sa Beermen.
Nanghihinayang naman ang Rain or Shine sa pagkatalo nito.
Matapos manalo ng anim na sunud-sunod upang makapasok sa quarterfinal round, opisyal nang inihatid ang Rain or Shine sa exit door.
Ngunit naniniwala si head coach Yeng Guiao na ang Elasto Painters ay magiging mas mahusay na unit pagdating sa Philippine Cup.
“We’re trying to build on our good run in the late stretch of our campaign here and bring it in the Philippine Cup,” sabi ni Guiao. “Hopefully, we’re going to have a much better start so we’ll have a better standing to get the playoff bonus.”