Pumutok muli ang bulkang Marapi sa Sumatra, Indonesia kahapon ng umaga at nabalot sa abo ang mga pamayanan sa paligid nito kaya napilitang lumikas ang 150 pamilya.
Bumuga ang Marapi ng abo sa taas na 1,300 metro alas 6:21 ng umaga at nagbabala ang ahensya ng bulkan sa banta ng lava.
Itinaas ng ahensya ang alerto sa bulkan at iniutos ang pagbakante ng lugar hanggang 4.5 kilometro ang layo mula sa bunganga ng nito.
Samantala, dalawa pang bulkan ang nag-alboroto at pumutok kahapon.
Sa Iceland, isang bulkan sa bayan ng Grindavik ang naging aktibo kaya nagsilikas ang mga residente mga 3 a.m. ng umaga kahapon, ayon sa ulat ng lokal na brodkaster na RUV.
Sinabi rin ng Icelandic Meteorological Office na nagkaroon ng bitak sa dike na itinatayo sa hilagang parte ng bayan.
May nagbabaga ring lava ang iniluwa ng bulkan.
Sa Japan, ang bulkan sa isla ng Suwanose ay pumutok pagkalipas ng hatinggabi.
Nagbuga ng mga bato ang Bulkang Otake sa lagpas ng isang kilometrong radius nito.
Nagbabala ang Japan Meteorological Agency sa mga tao na huwag lumapit sa mapanganib na bahagi ng bulkan.
Walang naiulat na nasaktan sa pagsabog ng Otake.