Isang dentista ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Linggo.
Kinilala ang biktima bilang si Dr. Augustine Bolor Jr. o kilala bilang “Doc Teng” na isa ring kagawad sa kaniyang bahay sa Barangay San Vicente Central.
Ayon kay Lt. Col. Danilo Driz, hepe ng Calapan police, nadiskubre bandang alas-8:30 ng umaga at malaki ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo sa krimen.
Minsan na umanong nag-viral ang biktima sa social media dahil sa napakaraming suot na alahas.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives at Calapan police sa pinangyarihan ng krimen.