May ng siyam na bagong kaso ng pagkasugat sa paputok na nagpataas pa sa bilang ng mga naputukan sa 609 kahapon.
Ang mga bagong kaso ay naitala mula alas-6 ng umaga ng Enero 5 hanggang alas-5:59 ng hapon ng Enero 6, ayon sa Department of Health.
Inaasahan ng ahensya na madaragdagan pa ito dahil may naiulat na mga kaso ng tinamaan ng ligaw na bala, pahayag ng DOH.
Ang siyam na bagong biktima ng paputok ay may edad 8 hanggang 55 at karamihan sa kanila ay mga lalaki. Mga 89 porsyento ng kaso ay nangyari sa bahay at kalye.
Mga legal na paputok ang nakapinsala sa 78 porsyento ng mga biktima at apat o 44 porsyento ang dinala sa ospital.
Sa 609 na nasugatan, 601 ay dahil sa paputok, isa ay dahil sa pagkalason sa watusi at pito ay tinamaan ng ligaw na bala.
Mahigit kalahati ng 609 o 320 ay nangyari sa Metro Manila samantalang ang iba ay nangyari sa rehiyong Ilocos, Calabarzon at Gitnang Luzon.